Bakit nakaka”emo” ang tag-ulan?
pansin ko lang. pansin ko lang talaga. ang lakas maka”emo” ng ulan.
pag dumadating yung mga panahong ganito, trending sa mga social network sites ang mga emotional at makabagbag damdaming mga status. posts.kanta.lahat na.
madalas pa sa hindi, tungkol sa pag ibig.
kaya nga naitanong ko, anong meron sa ulan?
BAKIT NAKAKA”EMO” ANG TAG-ULAN??
hindi naman ako naiirita o anu pa man. actually isa pa nga ko sa mga tinatamaan ng epidemya ng pagka “dramatic” at “emo” tuwing tag ulan. kaya naghahanap din ako ng sagot kung anong meron sa ulan at ganun yung epekto nito sa tao.
mga naisip kong sagot.(may or may not be applicable to me)
1. kaya nakaka-emo ang ulan kasi para syang patak ng luha.
impressive ang pagkakarelate. siguro pag umuulan naiisip mo yung mga panahong down na down ka.with matching wet pillows mode on the side. di man sinasadya, may tendency ang taong irelate ang kahit ano pa mang bagay sa mga pangyayari sa buhay nya. be it relevant or not, yung ulan, parang luha na pumapatak mula sa mga mata mo nung mga panahong tumatangis ka. depende sa event. kung iniwan ka ng pinakamamahal mo, mag kaaway kayo as of the moment ng pinakamamahal mo,yung sakit ng paghihihintay sa di sigurado, yung sakit na naramdaman mo nung niloko ka ng mahal mo or yung sakit na di nya alam na mahal mo sya kasi di mo masabi kasi may mahal xang iba..madami pang ibang dahilan.pero yung ulan ay mga luha sa iyong mga pisngi sa mga sandaling naactivate ang lacrimal glands mo.
2.pag tag-ulan, malamig. malungkot pag nagiisa. masarap ang may kayakap/kasama.
para ito sa mga taong kakabreak lang, matagal ng single, NBSB at nangungulila sa taong mahal nila. di man malinaw pero may effect pag maginaw. yung mga panahong ganito, gumagana ang imagination mo. yung feeling ng body heat ng ibang tao yung source mo para di ka na manlamig. yung imagination mo pedeng maactivate from normal mode to superb mode sa kung ano at pano mo gagawing maramdaman yung “init” na kelangan sa panahong malamig. nakaka “emo” nga naman kasi pag mag isa.
3.pag tag-ulan, saka nagsusulputan ang mga love songs na tila ba patama sa kung ano ang current status mo.
kadalasan, inaassociate ng tao ang tag ulan sa mga panahong nakahiga sila sa kama, ninanamnam ang lamig nito.sarap din makinig sa music.sound trip. saka pag in-on mo na ang radyo o binuksan mo ang playlist mo.shuffled pa.pero saktong matatapat ang tugtog eh ung tipong, “all my life” by kc and jojo. o kaya man ay “i love you goodbye” ni nina. or pwede din na “the man who can't be moved” at “breakeven”.saka lalabas ang natural tendency ng tao na irelate nanaman ito sa isang emotionally critical event sa buhay nila. suma total, magdadrama. mag”emo” mode na.
madami pang pwedeng i-attribute sa pagiging emo at dramatic ng tao pag tag ulan. bato lang siguro ang exception sa feeling na yun. kanya kanyang approach lang yan ng pagpapahayag ng effect ng ulan. isang payo lang.
BE CREATIVE.
wag gaya gaya sa iba.
para masaya ang buhay.
di naman masama madapuan ng epidemya ng pagiging emo pag tag ulan. wag ka lang masyado papakalunod pag bumaha. mahirap bumangon. baka mahirapan ka humanap ng GV (goodvibes) pangontra sa lungkot, drama at pag ka emo na dala ng rainy season.baka mastuck ka dun eh matuloy sa severe depression. :)
“The rain has that melancholic effect that whenever it continuously pours, you just cant help but think of the person you steadfastly fell for. how you miss him.and how you continue loving him.amid all.” - 02
They say that whenever it rains, God is crying and maybe the reason for the sadness of the human race as well..hmm i wonder?
ReplyDeleteGod also feels the sadness of the human race that's why He weeps with us.
Deletesabi mo nga iba-iba ng approach. depende sa tao kung saan nya nirerelate ang pag ulan. maybe rain can bring happiness to others or it reminds them of their heartaches and heartbreaks.
ReplyDeleteyup. true. either way.. may effect pa rin ang rain to our being. :)
Delete